-
Hi.
-
:(
sorry kung naging sarastic…wag kana po magtampo…:,(
-
,yung feeling na puyat ka kasi nakikipagkwentuhan kapa sa kanya sa FB o sa phone tapos inabutan na kayo ng alas 3 ng madaling araw at alam mong may pasok kapa bukas ng alas 9.<3
-
Ang saya pag naririnig mo boses nya kahit sa phone lang…nakaka-miss.
-
Yung moment na pinatawag mo siya tas mag-a i love you ka lang sa kanya…ang cute nung reaction nya…AHAHAHa…♥
-
Ang araw ko.
Gabi na pala.Alam mo kanina,napasabi talaga ako sa sarili ko “awwww,saunzz”,expression ko na yun sa tuwing dissappointed o malungkot.Gusto ko sana na makita ka,kaso hindi po pala pede noh?SAYANG.Nandun pa naman yung mood na excited ka na makita yung taong gusto mong makita,yung feeling na “kunti nalng makikita ko na siya”,kaso wala.SIRA trip ko.Kaya nagpalusot nalang ako sa pinsan ko na mya gagawin ako.Ayaw ko pong mabadtrip :( .Kaya umuwi nalng ako.May usapan din naman tayo diba?.Ayaw ko din sirain yun,baka yun pa dahilan kung bakit ka pagagalitan.Kaya natulog nalang pag-uwi.Pero bago nyan,nahulog pa ako sa upuan.Napilay ata si index finger.KAWAWA.Hindi ko namalayan yung mga texts mo vonez.Andami pala.Nagising nalng ako dahil sa vibration CP ko.Naks naman.Akalain mo,eto pa yung gumising sa akin “mahal ko gising”…AHAHAHA.Sarap matulog ulit eh.Para dumami pa yung text na ganun.Kaso baka magtampo.AHAHAHA.By the way mahal ko,^^.Salamat at tumatawag ka upang pakausap sakin yung maliit,magulo pero masaya,AHAHAHA.Sana sa susunod naman ah.
,Mahal kita vonez.
-
Nakakahiwaga lang. Kung paanong nagagawa ng isang taong pahalagahan ng sobra ang taong mahal niya habang nanliligaw pa siya pero kapag napasakanya na at tumagal na, tsaka pababayaan at babalewalain lang pala.
Posted on July 12, 2011 via Screaming Profanities with 14 notes
Source: prettylittlemayhem
-
Ang sarap lang nung pakiramdam na kahit gano ka mainis sa mga ginagawa mo, mangarag sa sobrang busy at mafrustrate kapag pagod na ang utak mo kaka-aral, may taong masasandalan ka pa rin at sasabihin sa’yong kaya mo pa kasi naniniwala siya sa’yo.
Posted on July 12, 2011 via Screaming Profanities with 29 notes
Source: prettylittlemayhem
-
kwento ko.kwento namin.
hmm…22 days na pala buhat nung naging tayo.Tayo.Tayo.Oo,tayo nga,pero hindi parin ako makapaniwala na committed na ako sayo.Honestly,nawawala sa isipan ko na girlfriend na kita,siguro dahil sa nagsimula tayo sa pagiging magkaibigan,at naging komportable sa bawat isa.Kahit ano man yung tratuhan natin,mapa-KAIBIGAN man og magka-RELASYON,isa lang tinitiyak ko sayo,MAHAL KITA.I’ts a funny on how we ended up with each other.Dahil lang sa isang salita,nag-umpisa ang isang kwento (naks,lalim).Pero totoo.Kwento kung saan ang isang simpleng magkaibigan nauwi sa magka-ibigan.”vonez”,yun yung tawag ko sayo,I mean tawagan natin.Kelan nga ba nag-umpisa yun?.Well anyways,di na importante siguro yun.Hindi naman korny pakinggan,astig nga eh.AHAHAHAHA.Pero palagi ko paring naiisip sa paglipas ng mga araw,kung pano ang katulad ko tinanggap ng isang katulad mo.Tanong ko lang,”Mahirap ba akong mahalin?”.Sa totoo lang,ikaw yung girl na nilalayuan ko dati,kasi sa asta at pustora mo hindi talaga ako komportable.SORRY kung nahusgahan kita agad.Pero kita mo naman yung ending diba?.Naging TAYO.Pero nilalayuan talaga kita dati,kasi palagi kang naka-makeup,ang kapal-kapal pa.Tapos sinasabihan mo pa ako ng “I love you” sa harap ng maraming tao.Nagagalit din ako nun,kasi nakakahiya.Nahihiya ako,kasi feeling ko di naman ako deserving at baka pinagti-tripan mo lang ako.Pero mga salita mo din pala ang susi para ako ngumiti ulit.Yung “I love you” mo din pala yung hahanap-hanapin ko araw-araw.Alam kung nawe-werdohan ka,kasi ganito ugali ko.Cheezy,Korny,Makaluma.Ngayon ka lang siguro nakatagpo ng kagaya ko no?.Yung tipong nagsasabi ng mga korny na quotes,gumagawa ng poems,nagpo-post ng mga cheezy na lines? at palaging nangungulit.Alam mo,ngayon ko lang naranasan magka-GF.Hindi naman ako masaya.SOBRANG SAYA.Kasi kilala ko yung taong minahal ko,kaibigan,katropa.Komportable na ako sayo eh.Ang sarap din makita yung texts mo na “mahal ko,<3” o kahit ung smile lang.Nag-effort ka talaga.AHAHAHA.Sarap kasi umpisahan yung araw mo na may tinitext ka ng “I love you” “Mahal Kita”,kahit araw-arawin ko pa.Yun yung kung baga “Introduction” ng araw ko,ang saya talaga.Kasi bago mag-umpisa ang isang napaka-komplikado,nakakapagod,nakaka-baliw na araw ay parang may viatamins ka na ininom.Vitamins sa puso.AHAHAHA.At kinagabihan,sarap din madinig boses mo,ang sweet mo kaya nung kumanta ka,”Ako ay may lobo,lumipad sa langit,di ko na makita,pumutok na pala”,ehehehe.Ang ganda ng boses mo.Ang sarap pakinggan.Isa pa,palagi mong tinatawag yung sarili mo na mataba.Sana sa tuwing ginagawa mo yan hindi nababawasan yung self-confidence mo.Vonez,o0 mataba ka.Palagi ko ngang sinsabi sa barkada na mataba girlfriend ko,at ang sarap-sarap yakapin.Eh ano ngayon kung mataba ka.Hindi din kita masisisi kung ganyan talaga tingin mo sa sarili mo.Pero kung gusto mong magpapayat o baguhin yung sarili mo,please lang gawin mo yun para sa sarili mo at huwag mong gawing dahilan yung pagtingin ng ibang tao sayo.Lalo na wag mong gawin para sa AKIN.Tanggap kita kung ano ka.Tanggap ka namin.Isa pa,gusto din kitang makita,MISS na MISS na kita.Siguro eto yung dahilan kung bakit ang layo-layo natin.Para mamiss natin yung bawat isa.Para naisin mo na makita ako at naisin ko rin na makita ka.
Simple lang po akong tao,simpleng pagmamahal lang ok na sakin.Kahit tabihan mo lang ako.Basta alam ko andyan ka.Salamat sa isang kwento ng pagkakaibigan.Ikaw ang laman ng bawat pahina.Ikaw panimula ng bawat talata.Bida sa bawat eksena.Ikaw lang naman ang bida kwento ito.Sana sa kwentong ito sabay nating isulat ang HAPPY ENDING.
MAHAL na MAHAL KITA…I love you vonez.I love Ms.Krystel Jane Cortez.
-
Kung minsan dumadating sa punto mas pipiliin mong masaktan at magtiis dahil yun lang ang tanging paraan para manatili siya at maisalba yung relasyon.
(via stokedspunky)Posted on July 11, 2011 via Screaming Profanities with 60 notes
Source: prettylittlemayhem